MANILA, Philippines – Tumapos si Rodrige Ebundo ng 19 puntos para imando ang Hobe Bihon-Cars Unlimited sa 82-72 tagumpay laban sa Metro Pacific Toll Corporation noong Huwebes ng gabi sa 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.
Pinagtulungang ibangon nina Ebundo at Eric Dela Cuesta ang Hobe Bihon matapos maiwanan sa first half ng Road Warriors sa bungad ng second half para agawin ang trangko na hindi na binitiwan pa tungo sa panalo.
Humatak din si Ebundo ng 4 rebounds na sinuportahan ni ex-PBA Bonbon Custudio ng 17 puntos at 4 assists para ihatid ang Hobe sa ikalawang sunod na panalo.
Sa isa pang laro, kinubra ng Power Innovation ang 89-74 panalo laban sa Philippine National Police- Quick Print.