Khan ‘di pa rin sumusuko

MANILA, Philippines – Patuloy ang paniniwala ni Amir Khan na siya ang makakalaban ni Manny Pacquiao kapag bumalik ito sa susunod na taon.

Sa panayam ng BBC Sport, binigyan diin ng British boxer ang paniniwala na mangyayari ang pagtutuos ng dating magka-sparmate noong siya ay nagsasanay pa sa ilalim ni Freddie Roach.

“I am the front-runner,” wika ni Khan. “There’s a big chance of the fight happening.”

Naunang tinarget ni Khan na masukat ang galing ni Floyd Mayweather Jr. pero nagretiro na ang pound-for-pound king matapos manalo laban kay Andre Berto.

“It would be Pacquiao’s last fight and would end his career in a big way, not like Floyd where, no disrespect to Berto, but I think Floyd finished his career on a low note,” banat nito.

Pero para mangyari ang inaasam na labanan, dapat ay magkasundo ang kanilang mga kampo sa detalye ng laban.

Show comments