La Salle, UST sa finals

MANILA, Philippines – Itinakda ng DeLa Salle University at ng University of Santo Tomas ang kanilang best-of-three title series matapos dispatsahin ang kanilang mga karibal sa Final Four ng 78th UAAP men’s table tennis tournament sa Blue Eagle Gym.

Sinandigan ng Green Archers sina dating MVP Walden Ledesma at Francis Garganian para lusutan ang National University Bulldogs, 3-2.

Sinibak naman ng Growling Tigers ang Far Eastern University Tamaraws, 3-1.

Nakatakda ang Game One ng championship series ng La Salle at UST ngayong ala-1 ng hapon.

Sa women’s division, lalabanan ng titleholder La Salle ang mananalo sa ikalawang step-ladder semifinals match sa pagitan ng UST at FEU sa alas-8 ng umaga.

Umiskor ang Tigresses ng come-from-behind 3-2 decision laban sa Lady Tamaraws matapos patalsikin ang dating reyna na University of the Philippines, 3-2, sa unang step-ladder match.

Show comments