^

PSN Palaro

Patayan sa game 1

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sisimulan ng San Beda Red Lions ang pagtahak sa hinahangad na makasaysayang pagtatapos sa 91st NCAA men’s basketball sa pagharap sa Letran Knights sa Game One ng Finals ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ikaanim na sunod na titulo sa liga ang nakataya sa Red Lions at sapat na ito para maging motibasyon para higitan pa ang naipakita sa mga naunang yugto ng kompetisyon at kunin ang panalo sa larong magsisimula dakong alas-4 ng hapon.

Bago ito ay bubuksan din ng San Beda Red  Cubs ang isa ring makasaysayang kampanya sa juniors division sa pagbangga sa Arellano Braves sa ganap na alas-2 ng hapon.

Winalis ng Red Cubs ang 18-game elimination round at may thrice-to-beat advantage sila laban sa Braves para mamuro ang target na kauna-unahang koponan na nakaanim na sunod na titulo sa dibisyon.

Ang San Sebastian Stags ang isa pang koponan na nanalo ng limang sunod na titulo sa seniors division at ito ang gustong basagin ng San Beda.

Tatlong beses nang nagharap sa season ang San Beda at Letran at nakauna ang Knights bago nilapa ng Lions ang katunggali sa sumunod na dalawang pagtutuos.

Ngunit hindi na ito ma­halaga ayon kay roo­kie Bedan coach Jamike Jarin dahil matinding labanan na ang haharapin ng dalawang koponan.

“It’s going to be an inte­resting game. The team that bring more energy to the game will win,” pahayag ni Jarin.

Ang mga papaalis na sina Ola Adeogun, Arthur dela Cruz at Baser Amer ang mga aasahan pero may kakayahan ang kanilang bench na saluhin ang mga ito kung hindi puputok tulad ng kanilang ginawa nang pagpahingahin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 78-68, sa Final Four.

Sina Mark Cruz, Kevin Racal at Rey Nambatac ang pantapat ng koponan sa ‘Big Three’ ng katunggali ngunit tiyak na handa rin ang bench na tumulong upang tumibay ang paghahabol ng kampeonato na huling nakamtan noon pang 2005.

“Hindi kami paborito na pumasok sa finals pero naririto kami. Pero hindi kami kontento dahil ang gusto namin ay magkampeon. Tiwala ako sa mga players ko na makakaya nilang makuha ito,” ani Knights rookie coach Aldin Ayo.

Ang pahayag ay sinegundahan pa ni Cruz na tulad  nina Racal at Rey Pub­lico ay nasa huling taon na ang gusto ring makatikim ng kampeonato sa NCAA.

“Binigyan pa kami ng isang chance kaya gagawin namin ang lahat para hindi masayang ito,” wika ni Cruz na umaasa rin sa suporta sa tulad nina McJour Luib at mga rookies na sina Jomari Sollano at JP Calvo para mahigitan ang malakas na hamon ng Red Lions.

Ang magwawagi ay puwede nang angkinin ang kampeonato sa Game Two sa Martes (Oktubre 27) habang ang Game Three kung kakailanganin, ay sa Huwebes (Oktubre 29).

ACIRC

ALDIN AYO

ANG

ANG SAN SEBASTIAN STAGS

ARELLANO BRAVES

BASER AMER

BIG THREE

CRUZ

FINAL FOUR

RED LIONS

SAN BEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with