Kikitain sa season opening ibibigay ng PBA sa mga nasalanta

MANILA, Philippines – Ramdam ng Philippine Basketball Association ang paghihirap ng mga biktima ng bagyong ‘Lando’.

Kaya naman ang kikitain mula sa opening ceremonies ng 41st season bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ay ibibigay ng PBA sa mga nasalanta ng bagyo.

“Proceeds of our season opener will be donated to the victims of tropical storm Lando,” sabi kahapon ni PBA chairman Robert Non matapos ang special board meeting para plantsahin ang mga detalye sa nakanselang opening ceremonies noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

“We in the PBA feel for our countrymen who have been affected by the storm. On this note I would like to encourage our basketball fans to come and watch our season opener on Wednesday. You will not just enjoy the games, you will also be helping our kababayans in need,” dagdag pa ng PBA Board chairman.

Isang simpleng opening rites lamang sa alas-5 ng ha­pon ang gagawin bukas bago ang bakbakan ng Star Hotshots at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-7 ng gabi.

Ang mga tiket na binili para sa season opener noong Linggo ay hindi tatanggapin sa Mall of Asia Arena dahil sa magkaiba nilang ticketing system.

Ngunit maaari itong mabawi ng mga tiket holders sa Smart Araneta Coliseum.

Show comments