Alcantara-Arcilla duo kampeon sa doubles

MANILA, Philippines – Nakagawa ng kasaysayan sina Johnny Arcilla at Francis Casey Alcantara nang nagkampeon sila sa men’s doubles sa 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier ITF Men’s Futures 2 kahapon sa PCA clay court sa Paco, Manila.

Nakatulong ang mga local crowd para mailabas pa ng wildcard entry na sina Arcilla at Alcantara ang kanilang laro para hindi papormahin ang top seed na sina Katsuki Nagao at Hiromasa Oku ng Japan sa 6-2, 6-2 straight sets panalo.

Ito ang unang titulo ng dalawang pambato ng bansa sa ITF at unang kampeonato ng mga local players sa ganitong kompetisyon sa maraming taon.

Mabangis ang mga serve ng dalawa kaya nakapagdomina sila sa net game para makuha ang panalo.

Nakarating sa Finals ang mga local bets  matapos pabagsakin muna ang isa pang Japanese pair nina Soichiro Moritani at Masato Shiga, 6-1, 6-3, sa semifinals noong Biyernes ng gabi sa kompetisyong suporta ng Cebuana Lhuillier, Puma, Dunlop, The Philippine Star, Head, Babolat, Compass/IMOSTI at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Show comments