MANILA, Philippines – Tatlong bagong marka ang ginawa ni Kyla Soguilon sa pagsisimula ng 85th Philippine Swimming League (PSL) National Series-All-School Swim Challenge kahapon sa Diliman College swimming pool sa Quezon City.
Ang manlalangoy ng Kalibo Sun Yat Sen School na si Soguilon na kumampanya sa girls’ 10 years category ay nagtala ng isang minuto at 14.85 segundo sa 100m individual medley, may 34.12 sa 50m back stroke at 33.31 sa 50m butterfly para sa mga bagong records.
Nakasama sa mga gumawa ng bagong marka sina Aubrey Tom ng Divine Angels Montessori of Cainta, Marc Bryan Dula ng Wissenheimer Academy at Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque.
Ang eight-year-old na si Tom ay may record sa girls’ 8 years 50m backstroke (41.23) at 50m butterfly (37.66) habang si Dula ay nagdomina sa boys’ 8 years 50m butterfly sa 39.12 seconds. Si Mojdeh, ay may 42.98 second sa girls’ 9 years 50m breaststroke.
Ang iba pang nanalo ng gintong medalya ay sina Paul Christian King Cusing, Paula Carmela Cusing, Ferdinand Ian Trinidad, John Gabriel Bucad, Andrea Pacheco, Marcus Faytaren, Aalia Espejo, Jewel Sermoni, Neve Salgado, Izhabella Balanza, Rigel Hechanova, Merie Tanaka, Mara Sabina Cruz, Apple Enquito, John Leo Salibio, Edrian Laureta, Jacob Perfina, Shiloh Bandeling, Jason Ong, Gerald Galves, Girome Eugenio, Estelle Mendez, Mathena Bodegon, Ehm Alavy-Chafi, French Frias, Pauliene Clemente, Charles Janda, Czesk Valdez, Albert Sermonia, Lee Grant Cabral, Isabel Galura, Sabrina Solosa, Rea Santos, Malayalikha Barrios, Angela Manungay, Chrystel Chan, Simon Pascua at Edrian Laureta.