Laban kay Pacquiao ‘di na matutuloy: Khan dismayado sa Top Rank

MANILA, Philippines – Matapos mabigo kay Floyd Mayweather Jr., hindi naman naplantsa ang laban ni British star Amir Khan kay Manny Pacquiao.

Ito ang mismong inihayag kahapon ni Khan sa pa­nayam ng The National.

“I’m really disappointed in Manny and his team,” wika ni Khan sa Filipino world eight-division champion. “They aren’t playing ball. All that was left to do is to sign the contract. But they are stalling.”

Nauna nang inihayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na balak niyang itapat si Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) kay Khan (31-3-0, 19 KOs).

Ngunit hindi na kayang hintayin ni Khan na maplantsa ang negosasyon para sa kanilang banggaan ni Pacquiao sa Abril 9, 2016.

“I have pulled out of the negotiations. I am no longer fighting Manny Pacquiao. I am not going to wait around for Manny like I did for Mayweather,” sabi ni Khan.

Ilang beses na ring iniwasan ni Mayweather (49-0-0, 26 KOs) si Khan.

Sa pagkahulagpos ng kanyang laban kay Pacquiao ay tatargetin ni Khan ang rematch sa sinuman kina Danny Garcia (31-0, 18 KOs) o Lamont Peterson (33-3-1, 17 KOs). Parehong natalo si Khan kina Garcia at Peterson.

Show comments