PANOORIN: Andray Blatche pinatahimik ang Chinese crowd sa FIBA Asia

Sa tuwing makaka-shoot ay pinatatahimik ni Andray Blatche ang Chinese crowd na kampi sa Lebanon. FIBA

MANILA, Philippines – Tila umabot na rin hanggang sa basketball court ng FIBA Asia Championsip ang hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Habang kinakalaban ng Gilas ang Lebanon sa quarterfinals ng torneo kagabi, nakahanap ng kakampi ang Lebanese team sa mga Tsino na panay ang panggugulo sa tuwing hawak ng Pilipinas ang bola.

Ilang beses pinatahimik ni Andray Blatche ang mga manunuod tuwing makaka-shoot ng free throw na kalaunan ay nagresulta sa pagkapanalo, 82-70, at pagtawid sa semifinals upang makalaban ang Japan.

PANOORIN: Highlights ng panalo ng Gilas kontra Lebanon

Makakabangga naman ng wala pang talong China ang defending champion Iran.

Hindi nagpadaig sa asaran si Blatche na naglalaro para sa Xinjiang Flying Tigers ng Chinese Basketball Association.

Show comments