MANILA, Philippines – Handang tulungan ng Philippine Olympic Committee ang mga potensyal na atleta na hindi kayang suportahan ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ayon kay POC president Jose Cojuangco Jr., mamimili sila ng atletang mapapakinabangan at bibigyan ng suporta para mahasa ang husay.
Seryoso ang PSC na magbawas ng atletang nasa kanilang pangangalaga na hindi nakakapaghatid ng medalya sa mga malalaking kompetisyon katulad ng Southeast Asian Games.
“ Ang mga may gusto lamang ang ating tutulungan dahil papipirmahin natin sila para makatiyak na susunod sa ipaiiral na patakaran,” wika ni Cojuangco matapos pangunahan ang POC General Assembly kahapon sa Wack Wack Golf and Country Club.