Khan gagawin ang lahat para talunin si Pacquiao kung...
MANILA, Philippines – Sakali mang siya ang piliin ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao para labanan sa susunod na taon ay walang aaksayahing panahon si Briton star Amir Khan.
Sinabi ni Khan na pipilitin niyang talunin si Pacquiao para mahikayat ang nagretirong si Floyd Mayweather Jr. na labanan siya.
“I think Manny Pacquiao would be the priority because I don’t know how long he has got left in his career. I think he would be the first fight to take,” wika ni Khan sa Bolton News.
Inihayag ni Mayweather ang kanyang pagreretiro matapos talunin si Andre Berto.
Bago ito ay tinalo muna ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Isa si Khan sa mga boksingerong nabanggit ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na maaaring labanan ni Pacquiao sa Abril ng susunod na taon.
Ang iba pa ay sina Kell Brook, Terence Crawford, Danny Garcia at Lucas Matthysse, habang wala nang intensyon si Juan Manuel Marquez na muling makatapat si Pacquiao sa pang-limang pagkakataon.
Si Khan ay dating sparmate ni Pacquiao sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach.
- Latest