Pacquiao iniidolo ng Canadian champion
MANILA, Philippines – Marami ang humahanga kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao dahil sa kanyang ipinapakita sa ibabaw ng boxing ring.
Bukod dito ay gusto ring tularan ni International Boxing Federation middleweight titlist David Lemieux ang pagtulong ng Sarangani Congressman na si Pacquiao sa kanyang mga kababayan.
“Being a champion is not just a title. You have to lead by example and to be a leader in society,” sabi ni Lemieux sa panayam ng Montreal Journal. “Pacquiao has very good values and I respect a lot of what he does as an athlete and as a person.”
Sa tuwing lumalaban si Pacquiao ay sinasabing dala niya ang karangalan ng sambayanang Pilipino.
Plano ng Canadian fighter na magtayo ng isang foundation para matulungan ang mga mahihirap hindi lamang sa kanyang bansa.
“I would particularly be involved in underdeveloped countries,” sabi ni Lemieux.
Nakatakdang labanan ni Lemiuex (34-2-0, 31 KOs) si World Boxing Association at International Boxing Organization king Gennady Golovkin (33-0-0, 30 KOs) para sa kanilang middleweight unification fight sa Oktubre 17 sa Madison Square Garden sa New York City.
Sa undercard ng naturang laban ay hahamunin naman ni dating two-division world ruler Brian 'The Hawaiian Punch' Viloria (36-4-0, 22 KOs) si World Boxing Council flyweight title-holder Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez (43-0-0, (37 KOs) ng Nicaragua.
- Latest