Quizon lider na sa Shell chess grand finals

MANILA, Philippines – Nagsulong si San Juan Elem. School bet Daniel Quizon ng 5.5 points para banderahan ang kiddies division, habang dalawa ang nanguna sa juniors play at nagsosyo ang tatlo sa liderato sa seniors category ng  2015 Shell National Youth Active Chess Championship national finals kahapon sa SM Megamall.

Tinalo ng 7th-ranked na si Quizon sina Philymn Villajuan, Rheam de Guzman, No. 4 Adrian de Luna, sixth seed Mark Bacojo at Dennis Gutierrez III bago nakipag-draw kay No. 5 Justine Mordido para pamunuan ang 12-and-under section ng torneong itinataguyod ng Pilipinas Shell.

Bumangon naman si De Luna mula sa kanyang third round loss kay Quizon nang walisin ang kanyang tatlong laro para sa 5.0 points ng Sta. Barbara Central School standout.

Bumalikwas si top seed Dale Bernardo ng FEU buhat sa opening round loss kay Ahmad Azote para kumuha ng apat na sunod na panalo at isang draw kay unrated Genesis Borromeo ng Dias College sa sixth round para makisosyo sa liderato ng 13-16 division.

Tinalo ni Borromeo sina No. 8 Chris Pondoyo, No. 7 Jayson Danday, fifth ranked Jesca Docena at second seed Daryl Samantila.

Show comments