^

PSN Palaro

3 Bulldogs sinakmalang Tigers-dikit sa Eagles

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. Adamson vs La Salle

4 p.m. UP vs FEU

MANILA, Philippines – Hindi ito ang paraan na gusto ng National University para masungkit ang una nilang panalo sa 78th UAAP men’s basketball tournament.

Bumangon ang nagdedepensang Bulldogs mula sa seven-point deficit sa third period para resbakan ang University of Sto. Tomas Tigers, 55-54, kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang krusyal na jumper ni 6-foot-7 Cameroonian import Alfred Aroga sa nalalabing 18 segundo ang nagbigay sa NU ng kanilang unang panalo matapos ang masamang 0-3 panimula at pinigil ang tatlong dikit na arangkada ng UST.

“That shot by Afred was all heart,” sabi ni coach Eric Altamirano sa nasabing tirada ni Aroga na tumapos na may 19 points, 12 rebounds, 1 block at 1 assist.

Isinara ng Tigers ang third period bitbit ang 43-41 abante bago naghulog ang Bulldogs ng 20-9 atake sa likod nina Aroga, Arven Diputado at Kyle Neypes para makadikit sa 49-52 agwat sa huling dalawang minuto ng fourth quarter.

Ganap na naagaw ng NU ang unahan sa 53-52 matapos ang basket ni Aroga sa huling minuto ng labanan kasunod ang layup ni Ed Daquioag sa natitirang 25 segundo para muling itaas ang UST sa 54-53.

Nauna nang pinoste ng Bulldogs ang 38-30 bentahe sa third period hanggang bumandera si Kevin Ferrer para ibigay sa Tigers ang 43-41 kalamangan papasok sa final canto.

Sa unang laro, dumiretso ang Ateneo sa kanilang pangatlong sunod na panalo matapos patumbahin ang UE, 77-72.

Kumamada si Von Pessumal ng 21 points, tampok dito ang 15 sa second period, para pangunahan ang Blue Eagles na tumapos sa dalawang sunod na ratsada ng Red Warriors.

Nagdagdag si 2014 Most Valuable Player Kiefer Ravena ng 15 points, 9 rebounds at 9 assists para sa Ateneo na iniwanan ang UE sa pamamagitan ng 17-point lead sa second half.

Nagawa ng Red Warriors na makadikit sa 72-75 sa natitirang 28 segundo ng fourth quarter, ngunit isinalpak ni Ravena ang kanyang jumper para selyuhan ang panalo ng Blue Eagles.

Ateneo 77 – Pessumal 21, Ravena 15, Gotladera 9, Ikeh 8, Apacible 6, Wong 5, Ma. Nieto 5, Wong 4, Babilonia 4, Black 2, Capacio 2, Cani 0.

UE 72 – Batiller 19, Javier 17, Abanto 6, Charcos 5, Derige 5, Palma 5, Varilla 5, De Leon 4, Yu 4, Sta. Ana 2, Gagate 0, Gonzales 0.

Quarterscores: 15-17; 43-33; 63-50; 77-72.

NU 55 – Aroga 19, Alejandro 9, Abatayo 8, Diputado 7, Neypes 6, Alolino 2, Javelona 2, Salim 2, Celda 0.

UST 54 – Ferrer 14, Abdul 11, Daquioag 9, Lao 8, Lee 6, Bonleon 3, Vigil 3, Faundo 0, Huang 0.

Quarterscores: 17-17; 33-26; 41-43; 55-54.

vuukle comment

ACIRC

ALFRED AROGA

ANG

AROGA

ARVEN DIPUTADO

ATENEO

BLUE EAGLES

DE LEON

PARA

RED WARRIORS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with