Fajardo, Abueva tatanggap ng award sa PBAPC

MANILA, Philippines - Gagawaran ng para­ngal sina San Miguel Beer big man June Mar Fajardo at Alaska forward Calvin Abueva sa pagbibigay ng rekognisyon ng PBA Press Corps. sa mga top athletes ng liga sa annual Awards Night sa Setyembre 16 sa Century Park Hotel.

Nasa kanyang ikatlong season bilang pro, tatanggapin ng 6-foot-10 na si Fajardo ang Gerry’s Grill-Defensive Player of the Year award.

Tinapos ng dating University of Cebu star ang season bitbit ang career-high 17.4 points at mga league-best na 12.9 rebounds at 1.7 blocks.

Ang tubong Pinamu­ngahan, Cebu ang naging sandigan ng Beermen sa paghahari sa nakaraang Philippine Cup at Governors Cup.

Nakuha ni Fajardo sa nakaraang season ang kanyang ikalawang sunod na MVP trophy.

Kinilala naman si Abueva, ang 2013 Rookie of the Year, bilang Mr. Quality Minutes dahil sa pagbibigay niya ng enerhiya sa Alaska, tinapos ang 40th season bilang runner-up ng Philippine Cup at Go­vernors Cup.

Sa 57 games ng naka­raang season ay nagtala ang ‘The Beast’ ng mga averages na 12.8 points, 8.8 rebounds at 2.3 assists.

Sisimulan ang progra­man sa alas-7 ng gabi.

Show comments