NU, Ateneo lumapit sa Finals seat

Nakalusot ang spike ni Fauzi Ismail (10) ng NU laban kina April Pagtalunan (6), Israel Enchina (9) at Kerth Melliza (4) ng EAC. (Kuha ni JOEY MENDOZA)

MANILA, Philippines - Sumandal ang National University Bulldogs sa balanseng pag-atake para maisantabi ang matikas na hamon ng Emilio Aguinaldo College Generals, 25-23, 26-28, 25-18, 26-28, 15-11 panalo.

Si Fauzi Ismail, Madz­lan Gampong, Francis Saura, Bryan Bagunas at Kim Malabunga ay naghatdi ng 23, 15, 13, 12 at 12 pun­tos para sa Bulldogs na ki­napitan ang 11-3 blocks at 65-60 bentahe sa attacks para sa 1-0 kalamangan sa best-of-three series.

Bago ito ay nakita ang la­kas ng Ateneo Blue Eagles sa 25-9, 25-22, 25-19 straight sets win laban sa NCBA Wildcats.

Angat ang Blue Eagles sa lahat ng departamento dahil may 45-25 agwat sila sa attacks, 9-4 sa blocks at 4-2 sa serve para sa mada­ling panalo.

Sina Marck Espejo at Rex Intal ay mayroong tig-13 puntos para pangunahan ang apat na Ateneo players na nasa double digits.

 

Show comments