4 teams unahang lumapit sa Finals

MANILA, Philippines – Unahan sa pag-usad ng isang paa patungo sa championship round ang magaganap sa pagitan ng apat na nakatayong koponan sa pagsisimula ng Spikers’ Turf Collegiate Conference semifinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Magku-krus ang landas ng Ateneo Eagles at NCBA Wildcats sa ganap na ala-1 ng hapon bago sundan ng tapatan ng National University Bulldogs at Emilio Aguinaldo College Gene­rals dakong alas-3 at ang magwawagi ay magkakaroon ng mahalagang 1-0 kalamangan sa maigsing best-of-three series.

Hindi pa natatalo ang UAAP champion Ateneo (7-0) hanggang sa quarterfinals at kasama sa kanilang pinabagsak ay ang Wildcats, 31-33, 25-18, 25-12, 25-21, noong Agosto 24.

Paborito man ay hindi puwedeng magkumpiyansa ang Eagles sa pangu­nguna ni Marck Espejo, dahil tiyak na walang pressure na maglalaro ang Wildcats dahil hindi sila napaboran na umabot hanggang sa yugtong ito.

Show comments