FEU spikers may tiket na sa Final Four

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  UP vs La Salle-Dasma

3 p.m.  Arellano vs St. Benilde

MANILA, Philippines – Dinaig ng FEU Lady Tamaraws ang UST Tigresses sa ikalima at huling set para angkinin ang ikatlong upuan sa semifinals sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiete Conference  gamit ang 25-16, 19-25,27-29, 25-15, 15-10 panalo kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang mga guest pla­yers na sina Honey Royse Tubino at Jovelyn Gonzaga ay gumawa ng 16 at 14 puntos at nagsanib sa 27 sa 60 attack points na siyang kinapitan ng nagdedepensang kampeon para wakasan ang quarterfinals tangan ang 5-2 karta.

Naunang nangibabaw ang Ateneo Lady Eagles sa National University Lady Bulldogs, 15-25, 25-19, 25-21, 25-23 para walisin ang pitong laro na hinarap sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT  Home Ultera.

Dahil nalagay sa ikalawa at ikatlong puwesto, ang NU at FEU ang siyang magtutuos sa best-of-three semifinals.

Bumaba sa ikaapat na puwesto ang Tigresses sa 4-3 baraha at mananala­ngin sila ngayon na matalo ang Arellano Lady Chiefs sa St. Benilde Lady Blazers sa pagtatapos ng quarterfinals ngayong hapon para umusad na sa semis. (AT)

Show comments