^

PSN Palaro

UP nagpakilala agad, UE binawian

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (MOA Arena, Pasay City)

12 n.n. La Salle vs NU

4 p.m. FEU vs Ateneo

MANILA, Philippines – Bago pa man magbukas ang 78th season ng UAAP men’s basketball tournament ay marami na ang natakot sa ginagawang paghahanda ng host school na University of the Philippines.

Ipinakita ng Fighting Maroons kung gaano sila kahanda matapos talunin ang University of the East Red Warriors, 62-55, kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

“They keep believing that they can win that’s why this is the result.” sabi ni rookie coach Rensy Bajar.

Noong nakaraang UAAP season ay nagtala lamang ang UP ng nakadidismayang 1-13 win-loss record kung saan ang kanilang nag-iisang panalo ay mula sa 77-64 paggiba sa Adamson University.

Mula sa mahigpitang opening period ay kinuha ng Fighting Maroons ang 22-9 abante sa second quarter bago nagpakawala ang Red Warriors ng 16-7 atake para makadikit sa 25-29 sa halftime.

Sa likod nina Dave Moralde at Jett Manuel ay muling nakalayo ang UP sa 40-31 sa third period bago muling ibaon ang UE sa 56-43 sa huling 4:37 minuto ng final canto.

Huling nakalapit ang Red Warriors sa 55-59 buhat sa layup ni Chris Javier.

Ngunit natawagan ng flagrant foul si Javier kay Jarson Prado sa natitirang 17 segundo para selyuhan ang panalo ng Maroons.

Sa pagsisimula ng Season 77 noong nakaraang taon ay tinalo ng UE ang UP, 87-59.

Sa ikalawang laro, nagtumpok si Kevin Ferrer ng career high na 28 points para igiya ang UST Tigers sa 70-64 panalo laban sa Adamson Falcons.

Kinuha ng Tigers ang 22-5 bentahe kontra sa Falcons sa first period kung saan kumamada si Ferrer ng 12 points.

UP 62 – Vito 11, Moralde 8, Desiderio 7, Manuel 7, Dario 6, Prado 6, Amar 4, Longa 4, Asilum 3, Kone 3, Juruena 2, Gallarza 1, Harris 0, Lim 0.

UE 55 – Batiller 17, Javier 10, Palma 6, Manalang 5, De Leon 4, Abanto 4, Charcos 2, Gagate 2, Yu 2, Sta. Ana 2, P. Varilla 1, Derige 0.

Quarterscores: 11-7; 29-25; 45-37; 62-55.

UST 70 – Daquioag 28, Ferrer 24, Vigil 9, Abdul 7, Lee 2, Subido 0, Sheriff 0, Lao 0.

Adamson 64 – Nalos 18, Ochea 12, Garcia 8, Capote 7, Margallo 5, Villanueva 4, Tungcab 3, Miranda 3, Bernardo 2, Sarr 2, Poilcan 0.

Quarterscores: 22-5; 28-25; 51-41; 70-64.

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ADAMSON UNIVERSITY

ANG

CHRIS JAVIER

DAVE MORALDE

DE LEON

FIGHTING MAROONS

JARSON PRADO

RED WARRIORS

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with