Fernandez binugbog ang Iranian boxer

BANGKOK--Mainit na binuksan ni Mario Fernandez ang kampanya ng Filipino boxers nang hiritan niya ng unanimous decision ang kalabang si Reza Korzbori ng Iran sa Thammasat University Gymnasium dito.

Pinahanga ng 23-anyos na si Fernandez, gold meda­list sa nakaraang dalawang SEA Games, nang  bugbugin ang Iranian boxer para ibigay sa kanya ng mga hurado ang 3-0 panalo sa ikalawang araw ng ASBC Asian Bo­xing Championships nitong Huwebes.

Ang nasabing event ay magsisilbing qualifier para sa World Championships na nakatakda sa Oktubre sa Doha, Qatar.

Ang iba pang miyembro ng Philippine team na sasabak sa aksyon ngayon ay sina  light-fly Rogen Ladon, flyweight Ian Clark Bautista, lightweight Charly Suarez at welterweight Eumir Felix Marcial.

 

Show comments