MANILA, Philippines - Ikinamangha ni NBA star LeBron James nang makita ang kanyang imahe sa isang cement basketball court sa Tenement Building sa Western Bicutan, Taguig sa Manila leg ng kanyang Nike Rise Asian tour.
Tinawag ni James ang Tenement Building na isang “amazing place” sa kanyang Instagram @kingjames.
“An abandoned parking garage that’s been taken over by more than 5,000 displaced family members,” ipinoste ni James.
Ang mural ni James ay ginawa ni tattoo and street artist Maya Carandang ng Marikina.
Sinabi ni Carandang, isang UP fine arts graduate major in advertising, na iginuhit niya ang imahe ni James mula sa isang litrato na ibinigay sa kanya ng Nike.
“I painted him wearing the LeBron 13 kicks which aren’t out in the market yet.”
Ito ay ginawa ni Carandang sa kabuuang 48 sa loob ng apat na araw kung saan gumamit siya ng 12 galons ng quick-dry paint na orange, black, white at blue.
Hiniling ito sa kanya ng Tenement resident at ni local rapper Mike Swift.
Ang nasabing painting ni James ay ang pinakamalaking ginawa ni Carandang. Siya rin ang gumawa sa garage wall ni mixed martial arts fighter Brandon Vera sa San Diego ngunit mas malaki ng tatlong beses ang Tenement mural.
Sa Vera mural ay ipinakita ni Carandang ang Fil-Am fighter bilang gorilya at ang kanyang nobya bilang isang tigre sa kagubatan.
“I’ve been going back and forth to the US competing with the Philippine All-Stars dancers since 2005,” wika ng 31-anyos na si Carandang. “
Naging tagahanga si James nang suportahan ang 12-anyos na si Kristine Cayabyab sa three-point shootout sa Mall of Asia show.
Tinalo ni Cayabyab, may taas na 5-7 at nagsusuot ng size 10 men’s shoes sa contest sina Thirdy Ravena ng Ateneo at Perlas Pilipinas’ Ewon Arayi.