Pinoy paddlers world title ang isusunod

Dumating na sa bansa ang Philippine dragonboat team na sumagwan ng apat na ginto sa 12th IDBF tourney sa Canada kamakailan. Joven Cagande

MANILA, Philippines – Sa pagkakaroon ng complete lineup, naniniwala ang Cobra-PAL Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) team na tatalunin nila ang mga pinakamahuhusay na koponan sa World Dragon Boat Cup sa Fushan, China sa susunod na taon.

“We finished second last year so we’re now going for first place in the World Cup,” sabi ni PDBF president Marcia Cristobal sa briefing sa Philippine Airlines’ office sa Macapagal Ave. sa Pasay City.

Nagmula ang koponan sa Canada kung saan sila kumuha ng apat na gold medals, kasama rito ang 200m at 500m mixed categories para sa small boat events.

Naghari rin ang mga Filipino paddlers sa 500m premier mixed event matapos talunin ang Macau, Hungary, Italy at Puerto Rico.

Inangkin ng grupo ang senior A mixed crown para tapusin ang kanilang kampanya sa kabila ng kabiguan ng ibang atleta na makasama dahil sa problema sa visa.

Show comments