Pinoy martial arts mapapasabak sa GCSF

MANILA, Philippines – Itatampok ng Gemmalyn Crosby Sports Festival ang ang kahusayan ng mga Filipino martial artists sa Agosto 29 sa SMX Convention  Center.

Magiging pangunahing hurado si International Fe­de­ration of Bodybuilding and Fitness (IFBB) Pro Athle­te Candyce Graham na isang Olympian at Arnold Athlete.

“It’s actually a collaboration of fitness and bodybuilding,” ani Crosby, ang tanging IFBB professional na kinatawan ng bansa sa pandaigdigang torneo sa pamamagitan ng Philippine League of Bodybuilding and Fitness.

Ang IFBB Pro Card ay nakuha ni Crosby dahil sa pag­kapanalo niya sa prestihiyosong Arnold Classic Ama­teur sa Amerika.

Siya ay isang Labrada-sponsored athlete (Master Trainer) na kumatawan ng walong beses sa Mr. Olympia Lee Haney’s International Association of Fitness S­ciences certification course.  Isa ring instructor ng Fili­pino Combat Systems si Crosby.

Ang Gemmalyn Crosby Sports Festival  ay sasalihan ng mga martial artists at fitness enthusiasts mula sa iba’t-ibang dako ng bansa, gayundin ng mga bisita mula sa Australia, India, United States, Saipan, Guam at Malaysia.

Sila ay maglalaban-laban sa 13 Filipino martial arts at body building na kategorya para sa dalawang araw na kompetisyon.

Isang expo ng mga produktong pagkain at paninda ang magkasabay na idaraos sa okasyon.

Show comments