^

PSN Palaro

‘Di kinaya ang Estonia 2-sunod na kabiguan sa Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa na namang kabiguan ang nalasap ng Gilas Pilipinas sa kanilang unang mini tournament.

Yumuko ang Gilas Pilipinas laban sa host Estonia, 80-90, para malasap ang kanilang pangalawang sunod na kamalasan sa Toyota Four Nations Cup sa Saku Suurhall Arena sa Tallinn.

Umiskor ang Estonians ng 33 points sa first period at lumamang ng 23 puntos bago nakahabol ang Nationals sa paglapit sa 77-86 agwat sa huling tatlong minuto ng fourth quarter mula sa three-point shot ni guard Terrence Romeo.

Ngunit nagawa ng Estonia na mabuhusan ang mainit na pagdikit ng Gilas Pilipinas para kunin ang panalo.

Tumapos si 6-foot-11 naturalized player Andray Blatche na may 16 points, habang nagdagdag ng 12 markers si guard Jayson Castro kasunod ang 10 ni Romeo.

Nauna nang nakalasap ang Nationals ng 27-point loss, 62-89, sa Netherlands sa una nilang laro.

Kumpara sa naturang laro laban sa Dutch, ginamit ni coach Tab Baldwin sa pagsagupa ng Nationals sa Estonians sina JC Intal at back-up Moala Tautuaa.

Pinagpahinga naman ni Baldwin sina Gary David, Jimmy Alapag at Aldrech Ramos.

Huling lalabanan ng Gilas Pilipinas ang Iceland sa naturang four-team mini tournament na kanilang ginagamit bilang pagha­handa sa 2015 FIBA Asia Championships sa Changsa, China.

ALDRECH RAMOS

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA CHAMPIONSHIPS

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

JAYSON CASTRO

JIMMY ALAPAG

MOALA TAUTUAA

SAKU SUURHALL ARENA

TAB BALDWIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with