^

PSN Palaro

Cray nadiskaril sa World Championships

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pinalad si Fil-Am Eric Cray na umabante sa semifinals nang nabigo siyang tapatan ang personal best at tiyempo sa Singapore SEA Games sa  heats ng 400m hurdles sa 2015 World Athletics Championships sa National  Stadium sa Beijing, China kagabi.

Ang 27-anyos na si Cray, isang double-gold medalist sa SEA Games noong Hunyo at kauna-una­hang atleta ng Pilipinas sa 2016 Rio Olympics, ay naorasan lamang ng mahinang 50.04 segundo tiyempo sa heat four sa limang heats na isinagawa para salain ang 40 mana­nakbo sa 400m hurdles.

Tumapos si Cray sa ikaanim sa walong naglaban sa nasabing heat at 33rd sa pangkahalatan.

Pasok agad sa semifinals ang apat na nangunang runners sa limang heats at sasamahan sila ng apat na sumunod na runners na may pinakamabilis na oras ng ibang sumabak sa aksyon.

Ito ang ikalawang kompetisyon ni Cray ngayong taon  at masasabing pababa na ang kanyang lebel matapos manguna sa 400m hurdles at 100m run sa Singapore SEA Games.

May personal best time sa event na 49.12 segundo, si Cray ay naorasan din ng 49.40 segundo sa Singapore na isang bagong meet record.

Kung naulit ni Cray ang mga tiyempong ito ay makakapasok sana siya sa semifinals.

ACIRC

ANG

BEIJING

CRAY

FIL-AM ERIC CRAY

HUNYO

ITO

PASOK

PILIPINAS

RIO OLYMPICS

WORLD ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with