MANILA, Philippines - Pangalawang pagkakataon na ito na dumalaw sa bansa ang NBA superstar na si Lebron James pero ramdam pa rin niya ang init ng pagtanggap sa kanya ng mga Filipino.
“It’s been great,” wika agad ni James sa panandaliang press conference kahapon sa Nike Hose of Rise sa Mandaluyong City.
“You have welcomed me with open arms. I’m excited to be back,” dagdag nito.
Dagdag saya para kay James ang pagkakataon na makasalamuha ang mga batang basketbolista na pangarap ang makagawa ng pangalan sa basketball sa hinaharap.
Ang manlalaro ng Cleveland Cavaliers na tumapos sa ikalawang puwesto sa Golden State Warriors sa idinaos na season ay inimbitahan para maging mentor ng mga finalists sa Nike Rise reality basketball program na pinangalanan kagabi sa Mall of Asia Arena.
Nakikita ni James ang sarili na makakatulong para maenggayo ang mga kasapi na ipagpatuloy ang kani-kanilang pangarap.
Inihalimbawa ni James ang nangarap na makilala sa sport na ito at sa edad na 18 ay nakapaglaro sa NBA.
“I know what the kids are going through. I can relate to them. I looking forward to the kids,” dagdag nito.
Idinagdag pa ni James na malaki ang maitutulong ang pagturo ng tamang paglalaro ng basketball pero mas epektibo ang magkaroon ang mga batang ito ng inspirasyon para maabot ang mga pangarap.