Best basketball clinics idaraos sa Ateneo at Xavier

MANILA, Philippines – Ang Ateneo at Xavier School ang mangangasiwa sa basketball clinics na inorganisa ng award winning na Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center.

Pakakawalan ang Preparatory Levels 1-5 sa Aug. 29-Oct. 17 sa Ateneo co­vered courts sa Katipunan, Quezon City at ang mga klase tuwing Sabado ay nakatakda sa alas-8 hanggang alas-11:30 ng umaga.

Ang Levels 1-3 ay ga­gawin sa Xavier School si­mula sa Setyembre 5 hanggang Oktubre 17 sa ala-1 hanggang alas-4:30 ng hapon at ang mga klase tuwing Linggo ay magsisimula sa Agosto 30 hanggang Oktubre 18 para sa Levels 1-3.

Show comments