MANILA, Philippines – Nakatakdang sumabak ang Meralco/MVP Sports Foundation National Cadet team sa World Cadet Taekwondo Championships.
Ang nasabing torneo ay hahataw sa Agosto 23 hanggang 26 sa Muju, Republic of Korea.
Pitong lalaki at walong babaeng fighters ang sasabak sa event na sasalihan ng 60 bansa na kinabibilangan ng Turkey, Chinese-Taipei, Korea, China, Iran, Spain, France at United States.
Ang mga pambato ng Meralco/MVP Sports Foundation sa men’s division ay sina Wendil Jay Rama, Matthew John Ongtangco, Dineson Wilrej Caneda, Arlan Deandre Calimon, Marco Antonio Rubio, Rohann Josh Mendoza at Ejay Dongbo.
Sina Jane Royda Ranile, Anne Sharmaine Albarracin, Allysa Louise Caabay, Camille Andrea Miraflores, Josea Dizon, Gilwel An Jynamae Irang, Shaira Isabel Garbanzos at Karina Marie Uy ang kakampanya sa women’s category.
Si Tem Igor Mella ang mamumuno sa delegasyon, habang sina John Paul Lizardo at Alvin Taraya ang mga tatayong coaches ng koponan.
Hindi puwedeng balewalain ang mga Filipino taekwondo fighters sa mga international event.
Kamakailan lamang ay 13 medals, kabilang dito ang dalawang gold, tatlong silver at walong bronze medals, ang iniuwi ng koponan mula sa Korea Open tournament.
Itinayo ng Philippine Taekwondo Association, ang paglahok ng Meralco/MVP SF team sa World Cadet event ay suportado ng SMART, PLDT, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.