Liderato nasolo ng Letran
Laro sa Martes
(The Arena, San Juan City)
10 a.m. JRU
vs Perpetual (Jrs)
12 nn San Beda
vs Arellano (Jrs)
2 p.m. JRU
vs Perpetual (Srs)
4 p.m. San Beda
vs Arellano (Srs)
MANILA, Philippines - Kinapitan ng Letran Knights ang unang puwesto sa first round elimination sa mahirap na 80-77 panalo laban sa Mapua Cardinals sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nakitang naglaho ang 21 puntos na kalamangan sa second period (48-27) at naiwanan pa ng pito sa huling 7:25 sa huling yugto (60-67), sinandalan ng Knights ang biglang pag-iinit ni Rey Nambatac sa 3-point line para makabangon agad matapos lumasap ng unang pagkatalo sa Emilio Aguinaldo College sa huling laro.
Apat na triples ang kanyang binitiwan at ang pangatlong tres ang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa Knights 72-70.
“We were not executing our defense and we were not connection our shots. I just told them to keep on shooting. Libre naman sila at ang mga tumitira naman ay iyong dapat tumira,” wika ni Knights coach Aldrin Ayo na nanatiling walang talo dahil suspendido siya sa laro laban sa Generals.
Tumapos si Nambatac taglay ang 22 puntos, tampok ang 6-of-12 shooting sa 3-point line, bukod sa 10 rebounds at limang steals
Si Mark Cruz ay may 16 puntos, kasama ang tatlong triples, at ang huli ay nagbigay sa Knights ng 80-75 kalamangan sa huling dalawang minuto ng labanan.
Nagkaroon pa ng pagkakataon ang Cardinals na makabangon pero matapos ang free throws ni Stephen Que ay nagtala ang koponan ng dalawang krusyal na errors para ibigay sa Knights ang 8-1 karta.
Puwede pang tumabla ang San Beda Red Lions kung manalo sa huling laro ngunit selyado na ng Letran ang number one spot dahil nanalo sila sa 5-time defending champion sa unang pagkikita.
Si Allwell Oraeme ay mayroong 23 puntos at season-high 28 rebounds bukod sa apat na blocks para sa Cardinals na bumaba sa 4-5 karta.
Hindi nawala ang init ng opensa ng Arellano Chiefs para sa madaling 85-73 panalo sa St. Benilde Blazers at makasalo ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa 5-3 karta.
Letran 80- Nambatac 22, Cruz 16, Balanza 11, Luib 10, Racal 9, Quinto 8, Apreku 2, Sollano 2, Calvo 0.
Mapua 77- Oareme 22, Biteng 15, Que 13, Serrano 8, Nieles 7, Menina 6, Aguirre 3, Raflores 2, Stevens 0.
Quarterscores: 25-21; 53-38; 60-59; 80-77.
Arellano 85- Nicholls 19, Jalalon 13, Salado 11, Gumaru 9, Holts 6, Ortega 6, Capara 4, Cadavis 4, Zamora 4, Enriquez 3, Meca 2, Bangga 2, Tano 2, Ongolo 0.
St. Benilde 73- Grey 24, Saavedra 16, J. Domingo 15, S. Domingo 6, Ongteco 4, Sta. Maria 4, Fajarito 3, Castro 1, Nayve 0, Deles
Quarterscores: 30-17; 49-34; 74-48; 85-73.
- Latest