^

PSN Palaro

Bedans nagbabalak sumalo uli sa itaas

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

10 a.m.  EAC vs Lyceum (Jrs)

12 nn  SBC vs SSC (Jrs)

2 p.m.  EAC vs Lyceum (Srs)

4 p.m.  SBC vs SSC (Srs)

MANILA, Philippines – Sisikapin ng San Beda ang bumalik sa itaas ng standings habang iiwas ang Emilio Aguinaldo College na malagay uli sa hu­ling puwesto sa pagpapatuloy ngayon ng 91st NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng Red Lions ang San Sebastian sa tampok na laro na magsisimula matapos ang labanan ng Generals at Lyceum sa alas-2 ng hapon.

Kasalo ngayon ng Ge­nerals ang St. Benilde Bla­zers at Stags sa 2-6 karta para sa ikapito hanggang siyam na puwesto.

Galing din ang Gene­rals sa 55-68 pagkatalo sa Perpetual Help Altas noong Martes para maputol ang 2-game winning streak.

Magkadikit man ang laro ay palaban pa rin ang tropa ni coach Andy de Guzman para pigilan ang nais ng Pirates (1-7) na magsalo sila sa huling puwesto sa pagtatapos ng kanilang mga kampanya sa first round elimination.

Nagkaroon ng pagkakataon ang 5-time defen­ding champion Red Lions na makasalo uli sa liderato nang natalo sa unang pag­kakataon ang Letran Knights sa Generals sa kanilang huling asignatura.

Nasa ibaba ang Stags ngunit hindi minamaliit ni coach Jamike Jarin ang kakayahan ng katunggali na makasilat tulad ng ginawa ng EAC sa Letran.

Sa kabilang banda, sasandalan ng Stags ang nakuhang 77-70 panalo sa Lyceum sa huling asignatura para mapaganda ang puwesto papasok sa second round.

Si Michael Calisaan ang inaasahang mangu­nguna sa Stags matapos gumawa ng career-high 35 puntos at 16 rebounds sa huling panalo.

ACIRC

ANG

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JAMIKE JARIN

LARO NGAYON

LETRAN KNIGHTS

PERPETUAL HELP ALTAS

RED LIONS

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with