Ibang Khan ang makakaharap ni Pacquiao

MANILA, Philippines – Kung maitatakda ang kanilang upakan ni Manny Pacquiao sa susunod na taon ay ibang Amir Khan ang makakasagupa ng Filipino world eight-division champion.

“I’ve changed a lot in my style. Whereas Manny Pacquiao is still the same fighter as he was, because he’s always been with Freddie Roach,” wika ni Khan.

Sinabi ng 28-anyos na si Khan na marami siyang napulot na istilo sa kanilang mga sparring ng 36-anyos na si Pacquiao.

Kaya kung mapaplan­tsa ang banggaan nila sa 2016 sa Middle East kagaya ng plano ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ay maaaring malasap ni Pacquiao ang ikalawang su­nod nitong kabiguan.

“Manny Pacquiao and me used to have some good spars. 50-50, they used to be. Toward the end I got the better of Manny Pacquiao as I got older and a little bigger. Obviously Manny and me are former stablemates and sparring partners and friends. We had the same trainer, Freddie Roach, so we know of each other,” sabi ni Khan sa panayam ng Bad Left Hook.

Ang pangalan ni Khan ang pinakamatunog na maaaring labanan ni Pacquiao matapos matalo kay Floyd Mayweather Jr. via unanimous decision noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Wala si Khan sa kampo ni Roach sa Wild Card Bo- xing Gym at kasalukuyang sinasanay ni Virgil Hunter.

Nangako si Khan na mas magandang laban ang sagupaan nila ni Pacquiao kumpara sa laban nito kay Mayweather.

Show comments