MANILA, Philippines – Kagaya ng dapat asahan, sinikwat nina Wensh Tiu at April Ross Hingpit ng Cignal HD Spikers B ang isang semifinals berth sa PLDT Home Ultera Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na pinalakas ng Smart Live More kahapon sa Sands By the Bay sa SM Mall of Asia.
Ito ay matapos talunin nina Tiu at Hingpit ng Cignal HD Spikers B sina Cebuana veteran Jusabelle Brillo at UST standout Jem Gutierrez ng Meralco, 21-14, 21-18, para umabante sa semifinals ng torneong inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Senoh, Sands By the Bay at Maynilad.
Sasagupain ng Cignal HD Spikers B ang mananalo sa Amy’s at Gilligan’s sa semifinals.
Pumitas din ng semis ticket sina Bea Tan at Pau Soriano ng Foton Hurricane matapos talunin sina Gretchen Ho at Charo Soriano ng Petron XCS, 21-12, 18-21, 15-7.
Haharapin ng Foton Hurricane ang mananaig sa Foton Tornadoes at Philips Gold sa semifinals.