Matthews nainis sa Blazers; Hawks player inaresto
DALLAS -- Hindi naitago ni Mavericks guard Wesley Matthews ang kanyang galit nang isnabin ng dating koponang Portland Trail Blazers sa free agency.
Ayon sa 28-anyos na shooting guard, hindi sinubukan ng Blazers na tawagan siya nang matapos ang kanyang kontrata.
Dito niya naramdaman na hindi na siya kailangan ng Portland.
“I was pissed off. I felt disrespected,” wika ni Matthews, naglaro ng limang seasons para sa Blazers kung saan siya nagposte ng average na 16 points a game bago nagkaroon ng Achilles tear sa nakaraang season.
Isang three-point specialist at mahusay na perimeter defender, lumagda ang anak ng dating Ginebra import na si Wes Matthews ng four-year, $70 million contract sa Mavericks bilang isang free agent.
Sa Atlanta, inaresto si Hawks forward Mike Scott dahil sa drug charges matapos pigilin ang sinasakyan nitong SUV na minamaneho ng kanyang nakababatang kapatid sa Interstate 85.
- Latest