^

PSN Palaro

Manila West idedepensa ang korona sa FIBA 3x3

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng tatlong pambansang kopo­nan ang makaalpas sa  pool elimination sa pagsisi­mula ng FIBA3x3 World Tour Manila Masters nga­yon sa Robinson’s Place Ma­nila sa Ermita.

Mangunguna rito ang Ma­nila West na siyang nag­dedepensang leg cham­pion at bubuuing muli nina Terrence Romeo, Niño ‘KG’ Canaleta, Rey Gue­var­ra at Aldrech Ramos na nasa Pool D.

Unang laro ng No. 4 team ay ang  Auckland New Zealand sa alas-3:20 ng hapon bago isunod ang Manila South sa huling laro sa alas-6:40 ng gabi.

Ang Manila South ay binubuo ng mga manlala­rong nanalo sa SBP-Talk ‘N Text Tatluhan na sina Lucky Ecarma, Jair Igna, Carlo Or­tega at Joshua Sinclair.

Sina Vic Manuel, Calvin Abueva, Karl Dehesa at Troy Rosario ang magka­ka­­sama sa Manila North na nasa Pool B at ang unang laro nila ay kontra sa seventh seed na Beirut Lebanon sa alas-4:10 ng ha­pon bago labanan ang second seed na Ljubljana ng Slovenia sa alas-5:40.

Ang 12 koponan, siyam rito ay mga dayuhan, ay hi­nati sa apat na grupo at ang Top Two ay aabante sa knockout round bukas.

Ang grupo ni Romeo ang siyang nagkampeon sa torneo noong nakaraang taon pero mapapalaban sila dahil sa pagsali ng mga bi­gating koponan sa pangu­nguna ng kasalukuyang World champion na Novi­Sad AlWahda ng United Arab Emirates na nasa Pool A kasama ang Medan Indonesia at Longshi China.

Ang 2014 runner-up sa leg na ito na Do­ha Qatar, ku­muha ng dalawang US players na sina Sammy Monroe II at Dominic Davon James, ay nasa Pool C ka­sama ang Kobe Japan at Kaohsiung Taipei.

Ang mga koponan na aabante sa finals bukas ang papasok sa World Tour Finals sa Abu Dhabi sa Oktubre 15 at 16.

ABU DHABI

ACIRC

ALDRECH RAMOS

ANG

ANG MANILA SOUTH

AUCKLAND NEW ZEALAND

BEIRUT LEBANON

CALVIN ABUEVA

CARLO OR

DOMINIC DAVON JAMES

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with