MANILA, Philippines – Bukod sa Kia sa PBA at ang Letran Knights sa NCAA ay susuportahan din ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang Pacman Mindanao Aguilas na lalahok sa Asean Basketball League (ABL).
Ang karamihan sa mga players ng koponan ay magmumula sa Mindanao region, ayon kay coach Niño Rejhi Natividad.
Ang pagsali ng Mindanao Aguilas ang magbabalik sa bansa sa regional cage league matapos umalis ang San Miguel noong 2013.
Ginawa ito ng Beermen ni coach Leo Austria matapos talunin ang Indonesia Warriors para sa kampeonato.
Magbubukas ang pang-anim na edisyon ng ABL sa Oktubre.
Bago ang San Miguel Beer ay nagkampeon muna ang Philippine Patriots sa unang season ng ABL noong 2010.