MANILA, Philippines – Apat na koponan lamang mula sa Asya ang makakapaglaro sa World Cup Finals sa 2018 sa Russia.
Naniniwala si team manager Dan Palami na malaki ang tsansa ng Philippine Azkals dahil sa maganda nitong inilalaro.
“It’s a tall order for us to make the third round, especially with our group that includes some very strong teams. But the team (Azkals) got off to a good start with two wins and the performance was also very satisfying, so it’s really promising,” wika ni Palami.
Tinalo ng Azkals ang Bahrain, 2-1, noong Hunyo 11 sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan at isinunod ang Yemen, 2-0, noong Hunyo 16.
Nakatakdang sagupain ng Azkals ang Uzbekistan sa Setyembre 8 sa Philippine Sports Stadium.
Mula sa higit na 200 ay matitira ang 32 bansa para sa 2018 World Cup Finals.