^

PSN Palaro

119 Military athletes binigyan ng DS para makabalik sa NSAs

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy na muli ang pag­ha­handa ng mga national athletes na mga kasapi sa iba’t-ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa panayam kahapon kay Sgt. Angel Dayag na si­yang liason officer ng AFP sa PSC, binigyan na ang la­­hat ng 119 military athletes ng kani-kanilang detailed service upang makabalik muli sa kani-kanilang Natio­nal Sports Associations.

“Hindi lamang ang mga boxers ang nabigyan na ng DS kundi sabay-sabay lahat ng military athletes ang na-deploy sa kani-kanilang NSAs,” wika ni Dayag.

Nagtungo si Dayag sa tanggapan ni PSC chairman Ricardo Garcia at dala ang bagong Memorandum of Agreement (MOA) para papirmahan.

Noong Hunyo 30 napa­so ang dating MOA kaya’t ni-recall ang mga military athletes sa AFP.

Dahil dito ay nabahal­a ang mga NSAs at nangu­na rito ang ABAP na problemado sa pagbubuo ng national team para sa Asian Boxing Championships sa Bangkok, Thailand sa susunod na buwan.

Krusyal ang mga dara­ting na buwan dahil isasa­gawa ang mga quali­fying events para sa 2016 Olympic Games.

ACIRC

ANG

ANGEL DAYAG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASIAN BOXING CHAMPIONSHIPS

DAYAG

MEMORANDUM OF AGREEMENT

MGA

NOONG HUNYO

OLYMPIC GAMES

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with