Lady Falcons tanaw na ang titulo

MANILA, Philippines – Pinaulanan ng Adam­son Lady Falcons ng wa­long hits ang UP Lady Maroons mula ikatlo hanggang ikalimang innings para katampukan ang 6-0 shutout panalo sa pagsisimula kahapon ng 77th UAAP softball finals sa Rizal Memorial Diamond.

Si Krisna Paguican ay may two-run double bukod sa isang run para pagningasin ang tig-dalawang runs na ginawa ng four-time defending champion sa tatlong innings na nabanggit upang lumapit sa isang panalo tungo sa paghablot ng titulo.

Two hits lamang ang ibinigay ni pitcher Annalie Benjamen at may 12 strikeouts sa seven-inning game para tulungan din ang A­damson na maisulong ang winning steak sa 61.

Ito ang unang laro ma­tapos ang 13 araw na pahinga pero hindi nawala ang talas ng paglalaro ng Adamson na siyang pinuri ni coach Ana Santiago.

Bukas muling magtutuos ang dalawang koponan at pinaghahandaan ng mga panatiko ng Lady Falcons ang malaking se­lebrasyon na tatapos din sa 77th season.

Show comments