^

PSN Palaro

Tabal, Poliquit tumapos ng 27th sa L.A. Marathon

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagtala ng disenteng pagtatapos ang mga Filipino marathoners na sina Rafael Poliquit Jr. at Mary Joy Tabal sa isinagawang Los Angeles Marathon kahapon.

Nakasali ang dalawang national athletes sa nasabing kompetisyon bilang bahagi ng kanilang premyo nang kinilala bilang King at Queen sa 2014 Milo Marathon National Finals.

Ang 26-anyos na si Poliquit ay naorasan ng dalawang oras, 36 minuto at 16 segundo para tumapos sa ika-27th puwesto sa kalalakihan habang si Tabal ay may 2:51:24 oras para malagay din sa ika-27th puwesto sa kababaihan.

Ito ang unang full marathon nina Poliquit at Tabal sa taong ito at ang 25-an­yos tubong Cebu lady ma­rathoner ay nakapagtala ng mas mabilis na tiyempo kumpara sa ginawa sa Nationals na 2:51:55.

Si Poliquit na sumalang sa marathon sa unang pagkakataon noong 2014, ay kapos ng mahigit na tatlong minuto sa 2:32:29 oras noong Disyembre.

Matapos makapagpahinga, isasalang uli ang dalawa sa matinding pagsasanay lalo pa’t sila ay inaasahang mapapabilang sa Pambansang delegasyon na lalaro sa Singapore SEA Games.

Malaking trabaho ang dapat na gawin nina Poli­quit at Tabal kung nais ni­lang manalo ng medalya sa SEAG.

Ang bronze medal time sa kalalakihan noong 2013 SEA Games sa Myanmar ay 2:30:30 na ginawa ng Filipino marathoner na si Eric Paniqui habang 2:49:01 ang oras ng bete­ranang si Pa Pa ng Myanmar tungo sa pangatlong puwesto sa kababaihan.

Ang Kenyans ang mga nagpasikat sa L.A. Marathon nang kunin nina Da­niel Limo at Olga Kimaiyo ang titulo sa kalalakihan at kababaihan sa 2:10:36 at 2:34:01 tiyempo.

ANG KENYANS

ERIC PANIQUI

LOS ANGELES MARATHON

MARY JOY TABAL

MILO MARATHON NATIONAL FINALS

MYANMAR

OLGA KIMAIYO

PA PA

TABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with