^

PSN Palaro

Rockets ibinalik ni Harden sa porma

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES – Na­kabalik si James Harden at ang Houston Rockets sa kanilang porma matapos ang dalawang sunod na kabiguan sa labas ng kanilang bakuran at dinis­karil ang pagbabalik ni Blake Griffin para sa Clippers.

Umiskor si Harden ng 34 points, habang nagdag­dag si Terrence Jones ng 16 points at 12 rebounds para igiya ang Rockets sa 100-98 panalo laban sa Clippers.

Nagdagdag si Trevor Ariza ng 19 points at 9 boards para ilapit ang Houston sa Memphis sa Southwest Division lead sa huling 16 games na laro sa kanilang iskedyul.

Ito ang unang laro ng Rockets matapos matalo sa Portland at Utah.

“It was very important for us, just to go out and play well,’’ sabi ni Harden.

Tumipa si Harden ng 7 for 16 fieldgoal shooting at may 17 for 18 sa free-throw line, ang huling mintis ay nangyari sa natitirang 8.2 segundo.

Umiskor naman si Chris Paul ng 23 points at humakot si DeAndre Jordan ng 20 rebounds para sa Clippers.

Naimintis ni Paul ang isang five-foot fadeaway jumper sa pagtunog ng final buzzer.

Tumapos naman si Griffin, hindi nakita sa 15 laro matapos ang surgery para alisin ang isang staph infection sa kanyang kanang siko, na may 11 points, 11 rebounds, 8 assists at 5 turnovers sa loob ng 40 minuto.

BLAKE GRIFFIN

CHRIS PAUL

HOUSTON ROCKETS

JAMES HARDEN

SOUTHWEST DIVISION

TERRENCE JONES

TREVOR ARIZA

UMISKOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with