Davis binitbit ang Meralco sa quarters
STANDINGS W L
Talk ‘N Text 6 2
Meralco 6 2
*Rain or Shine 5 2
Purefoods 5 3
NLEX 4 4
Ginebra 4 4
Globalport 4 4
NLEX 4 4
Barako Bull 4 5
Kia 4 5
Alaska 3 5
*San Miguel 2 6
Blackwater 2 7
*naglalaro pa as of presstime
Laro Ngayon
(Davao City)
5 p.m. Talk ‘N Text
vs Purefoods
MANILA, Philippines - Sa kanyang unang laro matapos ang masamang pagkakabagsak sa sahig kontra sa San Miguel noong Pebrero, masasabing nakabalik na sa kanyang dating porma si import Josh Davis.
Humakot ang 6-foot-7 na si Davis ng 32 points para tulungan ang Meralco sa 98-85 paggiba sa Barako Bull para pormal na umabante sa quarterfinal round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“It’s nice to have Josh Davis at 100%. His energy and intensity did wonders for us,” sabi ni head coach Norman Black kay Davis na nagkaroon ng back injury matapos ang hindi sinasadyang pagkakasahod sa kanya ni June Mar Fajardo sa kanilang kabiguan sa Beermen sa isang out-of-town game.
Tinapos ng Bolts, nagposte ng matayog na 5-0 record bago ang back injury ni Davis, ang kanilang two-game losing skid para saluhan ang Talk ‘N Text sa liderato.
Nalasap naman ng Energy ang kanilang pangatlong sunod na talo.
Mula sa 24-20 abante sa first period ay nakawala ang Meralco sa Barako Bull sa second quarter para kunin ang 11-point lead, 49-38, sa halftime.
Nagdagdag si veteran forward Reynel Hugnatan ng 21 points, habang may 14 si Gary David para sa pang-anim na panalo ng Bolts.
Nalimitahan naman si seven-foot import Solomon Alabi sa 14 markers sa panig ng Energy.
Samantala, pipilitin ng Talk ‘N Text na makalapit sa ‘twice-to-beat’ incentive sa kanilang pagsagupa sa nagdedepensang Purefoods ngayong alas-5 ng hapon sa Davao City.
Ang No. 1 at No. 2 teams matapos ang elimination round ang sisikwat sa ‘twice-to-beat’ bonus pagdating sa quarterfinals laban sa No. 8 at No. 7 squad, ayon sa pagkakasunod.
Meralco 98 - Davis 32, Hugnatan 21, David 14, Hodge 8, Wilson 7, Dillinger 4, Ferriols 4, Cortez 4, Ildefonso 2, Caram 2, Reyes 0, Buenafe 0, Anthony 0, Sena 0, Macapagal 0.
Barako Bull 85 - Alabi 14, Hubalde 13, Lanete 13, Intal 10, Salva 10, Lastimosa 7, Garcia 6, Pascual 6, Marcelo 2, Matias 2, Chua 0, Mercado 0, Salvador 0, Paredes 0, Sorongon 0.
Quarterscores: 24-20; 49-38; 70-61; 98-85.
- Latest