^

PSN Palaro

Tinambakan ang Kings, Hawks sinilo ang ika-50 panalo

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA – Binigyan ng Hawks si Kyle Korver ng pahinga para makabawi sa kanyang malamyang outside shooting.

Nakaganda naman ito para kay Korver.

Umiskor sina  Korver at DeMarre Carroll ng tig-20 points para hirangin ang Hawks na unang NBA team na nagposte ng 50 panalo matapos talunin ang Sacramento Kings, 130-105.

Naglista si Korver ng 6 of 8 shooting sa 3-point range at nagtala ang Hawks ng franchise record na 20 of 36 clip na bumasag sa 19 na kanilang inilista laban sa Dallas noong Dec. 17, 1996.

Nang ipahinga si Korver at dalawa pang starters, natalo ang East-leading Hawks (50-13) sa Philadelphia 76ers kamakalawa na pumigil sa kanilang six-game winning streak.

Naglista ang Hawks ng kabuuang 42 assists, ang pinakamarami sa NBA ngayong season.

Ang 13 dito ay galing kay guard Jeff Teague na nagtala ng 18 points kagaya ni Al Horford.

Pinangunahan naman ni Rudy Gay ang Kings sa kanyang 23 points.

Sa Milwaukee, nagpasabog si Anthony Davis ng 43 points, 10 boards at 6 assists para igiya ang New Orleans Pelicans sa 114-103 panalo laban sa Bucks.

Kinuha ng Milwaukee ang 101-100 abante sa 3:35 minuto ng fourth period mula sa runner ni Giannis Antetokounmpo bago kumamada si Davis ng walong sunod na puntos para tulungan ang New Orleans sa 14-2 run.

Sa iba pang resulta, inilampaso ng Washington ang Charlotte, 95-69; giniba ng Boston ang Miami, 100-90; tinalo ng Memphis ang Chicago, 101-91; pinaglaruan ng Denver ang New York, 106-78; hiniya ng Golden State ang Phoenix, 98-80; at binigo ng Los Angeles Clippers ang Minnesota Timberwolves, 89-76.

AL HORFORD

ANTHONY DAVIS

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

GOLDEN STATE

JEFF TEAGUE

KORVER

KYLE KORVER

LOS ANGELES CLIPPERS

MINNESOTA TIMBERWOLVES

NAGLISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with