MANILA, Philippines - Lalarga na sa Abril ang pinakaaabangang kompetisyon para malaman kung sino ang pinakamahusay na cowboy at cowgirl sa bansa.
Ang Rodeo Festival 2015 ay gagawin sa Masbate mula Abril 5 hanggang 19 pero ang National Rodeo Finals ay magsisimula mula Abril 14.
Ang taunang kompetis-yon ay inoorganisa ng Rodeo Masbateño Inc. (RMI) sa pangunguna ng pangulo ng RMI na si Judge Manuel Sese.
Noong Pebrero 12 pormal na inanunsyo ang aktibidades sa Capitol Football Ground sa Masbate City at sinamahan si Judge Sese nina Governor Rizalina Seachon at Mayor Rowena Tuason bukod sa kinatawan ng Filminera at DMCI.
Dito isinagawa ang paglagda sa Memorandum of Agreeement (MOA) para matiyak ang pagtutulungan ng lahat tungo sa ikatatagumpay ng Rodeo Festival.
Ipinakita rin dito ang official logo ng kompetisyon bukod sa paghahayag sa iba pang mga aktibidad na nakalinya para iselebra ang pestibal mula Abril 5.
Iniimbitahan si Sese ang lahat na mahilig sa rodeo, manonood man o partisipante, na tumungon sa Masbate para saksihan ang natatanging rodeo competition sa bansa.