Fajardo babandera sa Gilas pool

MANILA, Philippines – Ang pangalan ni June Mar Fajardo ang kaagad binanggit ni Tab Baldwin, ang head coach ng Gilas Pilipinas, na mangunguna sa inisyal na listahan ng 25 PBA players na bubuo sa national pool.

Ito ang sinabi kahapon ni Baldwin sa kanyang pag­bisita sa PSA sports forum sa Shakey’s sa Malate, Manila.

Pinaghahandaan ni Bald­win ang darating na 2015 FIBA Asia Men’s Championship na idaraos sa China.

“From what I’ve seeing, from the names I’ve got down now, it’s looking at around 25. It’s something like that,” wika ni Baldwin.

“But I’d say that the only player right now that cannot be excluded given the demographic of the sport of basketball is June Mar Fajardo,” dagdag pa nito sa 6-foot-11 center.

Naglaro si Fajardo sa Gilas Pilipinas ni dating coach Chot Reyes kung saan tumayong team consultant si Baldwin.

Nangako si Baldwin na bibigyan ang Pilipinas ng Asian berth para makalaro sa 2016 Olympic Games sa Rio de Jainero, Brazil.

Mula sa 25 ay 16 lamang ang kukunin ng American-New Zealander bago piliin ang Final 12 na maghahanda para sa Olympic qualifier.

Show comments