Ex-PBA import isinalba ang Heat
ORLANDO--Nagsalpak si Henry Walker ng dalawang triples sa huling 23 segundo para makapuwersa ng overtime at inihatid ang Miami Heat sa 93-90 panalo laban sa Magic.
Hinawakan ng Heat ang seventh place sa pag-uunahan para sa NBA playoffs.
Tinanggap ni Walker, naglaro sa Alaska Aces noong 2014 PBA Governor’s Cup, ang pasa mula kay Dwyane Wade para isalpak ang kanyang tres laban sa depensa ni Tobias Harris at itabla ang laro sa 85-85.
Nabigo ang Magic na makaiskor na nagresulta sa extra session.
Humugot si Wade ng apat sa kanyang 18 points sa OT, habang tumipa si Goran Dragic ng dalawang free throws at nagsalpak si center Hassan Whiteside ng dunk sa huling 2:49 minuto sa extension para sa panalo ng Miami.
Itinaas ng Miami ang kanilang record sa 25-31 para sa No. 7 sa likod ng sixth running Milwaukee (32-25) at kasunod ang No. 8 Brooklyn (23-32), Charlotte (23-32), Detroit (23-34), Indiana (23-34) at Boston (22-33).
May 19-40 baraha naman ang Orlando.
Sa Portland, umiskor si Wesley Matthews ng 31 points, habang humakot si LaMarcus Aldridge ng 11 points at 13 rebounds para igiya ang Trail Blazers sa 111-95 panalo laban sa San Antonio Spurs.
Ito ang kanilang unang panalo matapos ang All-Star break.
Nagdagdag si Damian Lillard ng 18 points kasunod ang 15 ni Nicolas Batum para sa Trail Blazers.
- Latest