^

PSN Palaro

Batang Pier, Gin Kings nambiktima

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umiskor si guard Terrence Romeo ng 25 points, habang humakot si import Calvin Warner ng 30 rebounds at 17 markers para sa 101-78 paggupo ng Globalport sa Blackwater sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Batang Pier na ipinalasap sa Elite ang pangalawang dikit nitong kamalasan matapos gulatin ang San Miguel Beermen.

“I’m thankful to the guys, they’re responding to my challenge,” sabi ni head coach Eric Gonzales sa Globalport.

“The challenge is that we don’t settle for just doing okay and we don’t take Blackwater lightly,” dagdag pa ni Gonzales.

Nagdagdag si Ronjay Buenafe ng 15 points kasu­nod ang 10 ni top overall pick Stanley Pringle.

Mula sa 21-20 abante sa first period ay kumawala ang Batang Pier sa second quarter para kunin ang 50-37 kalamangan patungo sa 74-56 pagbaon sa Elite papasok sa final canto.

Sa ikalawang laro, kumamada si balik-import Michael Dunigan ng 22 markers, habang nagdag­dag si seven-foot center Greg Slaughter ng 19 points para sa 96-87 paggupo ng Barangay Ginebra sa nagdedepensang Purefoods.

Sa kabila ng pagparada kay Best Import Denzel Bowles ay nakamit pa rin ng Hotshots ang kanilang ikatlong sunod na kamalasan.

Tumapos si Bowles na may 31 points kasunod ang tig-14 nina PJ Simon at Mark Barroca para sa Purefoods.

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

BEST IMPORT DENZEL BOWLES

CALVIN WARNER

ERIC GONZALES

GLOBALPORT

GREG SLAUGHTER

MARK BARROCA

MICHAEL DUNIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with