MANILA, Philippines – Bagama’t walang local players na nakaiskor ng double figures, sapat na ang produksyon ni NBA veteran Al Thornton para makamit ng Road Warriors ang kanilang kauna-unahang panalo.
Kumolekta ang 6-foot-9 na si Thornton ng 39 points, tampok dito ang 4-of-5 shooting sa three-point line, at 15 rebounds para pangunahan ang NLEX sa 106-79 pagpapatumba sa Blackwater sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“Really nice to get our first win this conference. This will not be a reality if my players didn’t play that well,” sabi ni head coach Boyet Fernandez.
Nagdagdag sina Niño ‘KG’ Canaleta, Jonas Villanueva, Rudy Lingganay at Rico Villanueva ng tig-9 points para sa unang panalo ng Road Warriors matapos ang 0-3 panimula sa torneo.
Nabigo naman ang Elite na masundan ang kanilang 80-77 panalo sa San Miguel, naghari sa nakaraang PBA Philippine Cup.
Hinawakan ang 14-4 bentahe sa opening period, naglista ang NLEX ng 23-point lead, 42-19, laban sa Balckwater sa second quarter patungo sa 55-27 kalamangan sa halftime.
Matapos kunin ang 84-49 abante sa third period ay tuluyan nang sinelyuhan ng Road Warriors ang kanilang panalo sa Elite mula sa 92-57 iskor sa huling apat na minuto ng final canto.
Tumipa si Bryan Faundo ng 17 points, habang may tig-15 sina naturalized player Marcus Douthit at Robbie Celiz sa panig ng Blackwater.
Kasalukuyan pang naglalaban ang San Miguel at ang Alaska habang isinsulat ito.
Samantala, hangad naman ng nagdedepensang Purefoods Hotshots na masolo ang ikalawang silya sa pagsagupa sa Kia Carnival ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.
Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay magtutuos ang Barako Bull Energy at ang Globalport Batang Pier.
NLEX 106 – Thornton 39, Canaleta 9, Lingganay 9, J. Villanueva 9, E. Villanueva 9, Hermida 8, Taulava 8, CArdona 7, RAmos 4, Arboleda 2, Baloria 2, Camson 0, Boroboran 0, Apinan 0, Soyud 0.
Blackwater 79 – Faundo 17, Douthit 15, Celiz 15, Reyes 8, Heruela 7, Laure 7, Bulawan 6, Acuna 4, Canada 0, Timberlake 0, Nuyles 0, Erram 0, Ballesteros 0, Gamalinda 0, Salvacion 0.
Quarterscores: 24-11; 55-27; 84-49; 106-79.