MANILA, Philippines - Sisimulan ni dating world featherweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang kanyang pagbabalik sa super bantamweight division sa Marso 28.
Lalabanan ni Donaire si Brazilian fighter William Prado sa harap ng kanyang mga kababayan sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“I’m excited to be back at 122 pounds,” sabi ni Donaire, nakatikim ng six-round KO loss kay Jamaican Nicholas Walters para isuko ang suot na WBA featherweight title noong 2014 sa Macau.
Inamin ni Donaire na sadyang hindi niya kaya ang mga laban sa featherweight division kaya siya babalik sa super bantamweight class.
Sa naturang dibisyon ay hinawakan ni Donaire ang mga korona ng IBF at WBO.