MANILA, Philippines – Ang matagumpay na PNoy Sports ay magdaraos ng kanilang ikaapat na edisyon para sa pagdiriwang ng ika-29th Anniversary ng People Power Revolution sa Pebrero 15 sa Liwasang Aurora, Quezon City Memorial Circle.
Ang 4th leg ng PNoy Sports Preventive Health Program ay ang pagpapatuloy ng Yellow Ribbon Movement’s (YRM) campaign para buhayin ang espiritu ng ethnic sports sa bansa at ibalik ang tradisyunal na Filipino games bilang paraan ng bonding, competition, sportsmanship at camaraderie,
Katuwang ng YRM para sa pagdaraos ng event sina Councilor Mayen Juico at Vice Mayor Joy Belmonte.
“We now go back to where we started at, QC, in our continuous effort to make the Filipino children play traditional Filipino games,” sabi ni YRM Chairman Margie Juico, ang nangunguna sa kampanya.
Idinaos ang ikatlong edisyon sa Hacienda Luisita sa Tarlac at may 200 kabataan ang lumahok sa naturang North edition.