^

PSN Palaro

Lady Falcons tuloy sa pananalasa; Eagles winalis ang first round

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpatuloy ang winning streak ng Adamson Lady Falcons sa UAAP softball habang winalis ng nagdedepensang kampeon Ateneo Eagles ang first round sa baseball na parehong ginagawa sa Rizal Memorial Diamond  nitong nakaraang linggo.

May 4-0 baraha ang four-time defending champion Lady Falcons nang kunin ang 13-3 panalo sa NU Lady Bulldogs noong Sabado.

Kinuha ng Lady Falcons ang lahat ng runs sa ikaanim na innings para maiakyat din sa 52-straight ang kanilang pagpapanalo.

Pinabagsak ng Ateneo ang karibal na La Salle Archers, 4-1, sa rematch ng dalawang koponan na nag­laban sa titulo noong nakaraang taon.

May two-run homerun si Matt Laure para katampu­kan ang ikalimang sunod na tagumpay ng Eagles habang ang La Salle ay bumaba sa 3-2 karta.

Samantala, kuminang din ang UP sa men’s football at streetdance competition.

Pinagtibay ng Maroons ang hawak na unang puwesto sa football competition bitbit ang 24 puntos sa 4-1 panalo kontra UST  Tigers na pinaglabanan sa Moro Lorenzo Football Field sa Ateneo campus.

Ang leading scorer ng liga na si Jinggoy Valmayor ay gumawa ng dalawang goals para iangat na sa 13 ang naiskor ngayong season.

Binigyan ng kakaibang kahulugan ng Maroons ang ‘luksong tinik’ sa streetdance competition noong Linggo sa MOA Arena sa Pasay City para makuha ang kam­peo­nato bitbit ang nangungunang 178 puntos.

Ang Ateneo ang pumangalawa sa 167.3 puntos habang ang La Salle ang pumangatlo sa 167 puntos.

ADAMSON LADY FALCONS

ANG ATENEO

ATENEO

ATENEO EAGLES

JINGGOY VALMAYOR

LA SALLE

LA SALLE ARCHERS

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with